Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Skin Design:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

Thursday, June 23, 2005

Blog Under Major Facelift!

Abangan ang mas pinatindi at mas pinaganda kong blogspot. Malapit na.

Wednesday, June 15, 2005

Magazine cover Stars

Nandito na ang mga babago sa anyo ng magazine covers...

Image hosted by Photobucket.com

Saturday, June 04, 2005

New Chalk Mag image model


I'm on the cover of Chalk Magazine, grab your own copy now while supplies last. (If you can't see one on your newstands, it's already out of stock, better ask me for extra copy.. just chillin out hehehe)



Please send me your comments and violent reactions. Who knows, I might appear again if the clamour is big!

Thursday, June 02, 2005

Random Thoughts 2

Random Thoughts 2

Image hosted by Photobucket.com 14 na araw na lang, magbubukas na ang Fitness First sa Robinsons Manila. First time kong papasok sa gym at kailangang sulitin ang buwanang membership fee. Sana maging kapanipakinabang ito sa akin.


www.josephyeo.tk
Kasalukuyan kong ginagawa ang isang website para kay Joseph Yeo (!!!). Babalitaan ko na lang kayo kung ano na ang development. Ito muna ang pampalipas oras ko ngayon. Wala pa akong kabalak-balak maghanap ng trabaho.


Aasikasuhin ko muna ang application ko para makapagexam sa Civil Service Commission, magrereview na rin, Malay mo, hirangin ako bilang Secretary ng isang departamento ni Gloria. Dapat maging handa…


Pinasaya ako ng MSDN ngayon. Dumating na kasi yung Silver Membership card ko. At least, nakangiti ako kahit papaano ngayong araw na ito. =)


Let's sing the THREE BEAR SONG! Narito ang Three bears Song galing sa Full House, yung Filipino at Korean version.
*Filipino:Merong tatlong bear sa loob ng bahay. Si papa bear si mama bear at si baby bear. Si papa bear ay malakas. Si mama bear ay maganda. Si baby bear ay napakaliksi. Tingnan mo, tingnan mo ang saya nila!
*Korean: Gom semariga han jibe isseo. Appa gom. Eomma gom. Agi gom. Appa gom eun ddoongddoong hae. Eomma gom eun narsshin hae .Agi gom en ai gwiyeowo. Eusseuk eusseuk jarhanda

Wednesday, June 01, 2005

Ilang araw na rin akong nagkukulong sa bahay dahil sa naging resulta ng Convergys. Di pa rin ako makarecover. Mas bad trip talaga. Wala akong ganang lumabas, gustuhin ko man, wala rin akong pera. At least nakalabas din ako kanina, nagkaroon kasi ng Santacruzan sa parokya namin, hindi sa harap ng bahay dumaan, dun sa San Andres, para makita ko yun kailangan ko lumabas. Ok naman, mahaba-haba rin kasi huling araw na ng Mayo.

Grabe… June na bukas.