Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Skin Design:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

Monday, January 23, 2006

Manny Pacquiao: Ang Pambansang Kamao

Nakakatuwang nanalo si Manny Pacquiao laban kay Erik Morales, pero higit na nakakatuwa ang suportang ipinakita ng sambayanang Pilipino kay Manny. Tila naging isang "Pacquiao Holiday" nakaraang Linggo, lahat ay nakatutok sa laban niya. Tila tumigil ang ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Lahat ay nagkaisa para sa iisang layunin - bigyang suporta ang isang Pilipinong lumalaban para sa bayan. Pati away pulitika ay naisantabi rin. Kaya naman pala ng mga Pilipino na magkaisa! Mabuhay ka, Manny!


Off topic muna:
Matagal ding nawala sa ere ang blog na ito sa ilang kadahilanan... unang-una dito ay ang pagkasira ng hard disk ng aking laptop. Mas madaling magtype gamit ang laptop ko. Dahil walang choice, inakyat ko na ang PC ko sa kwarto ko, at dahil dyan... magiging updated na ang blog ko... abangan!