Indang Hideaway!
Ang mga graduates at officially unemployed ay nag-outing ng overnight sa Indang, Cavite. Hindi lahat kasama dahil nga maraming pasaway sa amin. Mga nasa 21 lang ang sumama, kahit konti maging masaya din. First stop, Jollibee sa may Baclaran station, ditto kasi nag-antay,doon na din kasi sasakay ng bus papunta sa.. Second stop, bahay nina Algreick. Dito muna kami nagstay bago ang takdang oras ng pagpunta sa pool. Kumain, nagpahinga, nagkwentuhan… pati na rin ang boyfriend ni Andheng, gumawa ng eksena, as in eksena talaga na parang scene sa isang teleserye. Dahil sa tagal dumating ni Igoy, hapon na kami nakapunta sa pool, at hindi pa agad nakapasok dahil wala pa si Algreick. Upang hindi mainip, nagpicturan na lang ang lahat, ang aming one and only habit. Alas sais na kami nakapag-ayos. Gabi na rin nang mag-umpisang magswimming. Eto pictures na lang ang magkukwento ng iba. Masaya naman ang naging kabuuan.
Friday, April 29, 2005
Saturday, April 23, 2005
The Eve of the Graduation....
The Eve of the Graduation....
Bisperas ng graduation ko ngayon. Bukas ay magwawakas ang mahigit 14 na taon ng aking pagiging estudyante. Kung babalikan ang lahat ng aking napagdaanan, halo-halong saya at hirap ang aking naranasan. Nandoon ang makasalamuha ang mga “bully” na classmate at nandoon din ang makakita ka ng mga totoong tao na kasama hanggang sa ngayon. Sila ang mga kaibigan kong itinuturing kong kapatid at yaman ng aking buhay. (Naks! Ang drama!)
Sa pagtungtong ko ng kolehiyo, mas naging exciting ang naging takbo ng buhay estudyanre ko. Bagong eskuwelahan, bagong mga kaklase, bago lahat. Hindi naging madali ang pag-adjust, pero dahil sa mga bago kong nakilala at mga naging kaibigan agad, naging maayos naman ang mga sumunod. Si Johann ang unang taong nakilala ko sa classroom. Ewan ko bakit siya.. wehehe peace johann! Sumunod si Chris, dahil sa magkasunod ang aming surname sa tuwing alphabetical ang seating arrangement. Tapos nakita ko na lang na dumadami na ang nakakasama ko at nakikilala, wala pang isang buwan, bonded na kaming lahat. Ok kong masasabi ang naging takbo ng first year ko, maliban sa isang back subject. At habang lumalaon ang mga taon ko sa PLM, mas nagiging masaya ang mga experiences, syempre hindi mawawala ang ilang tampuhan at pagkakagalit sa grupo at sa klase.
Ngayong lilisanin ko na ang PLM, marami rin akong mamimiss (akalain mo!)
Mamimiss ko ang bawat hagdan sa Gusaling Villegas, memorable ito para sa bawat taga CET, hindi lamang hagdaanan ang papel nito, waiting shed kapag nag-aantay ng prof, tsismisan area, isama mo na rin na nagiging study area ito pag wala nang ibang lugar.
Mamimiss ko din ang Gusaling Lacson, ang tinaguriang Camp Big Falcon dahil sa disenyo ng gusaling ito. In fairness, pinipinturahan na ito ngayon ng matingkad na PINK!
Ang PLM Parade grounds, nahigaan ko na ito, nag-roll over noong ROTC days, picture area din naming at ngayon pinakamemorable dahil ditto gaganapin ang graduation namin.
Ang canteen, na malalaman mong galling ka ditto dahil sa mangagamoy ulam ka. Isama mo na rin ang tindang rice in a box na iisa ang lasa kahit ibahin mo ang order mo.
Ang mga kwartong GV 210,211, 310 at 311, ditto kadalasan nagkukuta ang mga CS students. Ditto nagaganap ang mga lessons, reporting, presentation pati na rin defenses.
Ang tapat ng CET faculty, ditto naman kami nagkukuta pag may hinahunting na prof, ginawang tambayan, higaan ang sahig dahil nga may inaantay na prof… na minsan hindi dumadating. Pero hindi naman nasasayang ang oras dahil kung anu-ano ang ginagawa para lumipas ang oras. Minsan pa nga nagbabalik bata ang mga feeling na batang kaklase ko…
Ilan lang ito sa mamimiss ko sa PLM, madami pang iba… ipopost ko na lang next time.

Thursday, April 21, 2005
about graduating
About Graduating
Ok, ilang araw na lamang mula ngayon, graduate na ako ganap nang unemployed. Magpapaalam na ako sa mahigit sampung taon ng pagiging estudyante. Haay, parang kailan lang, kakapasok ko pa lang PLM, ngayon lilisan na ako... hehe napakabilis talaga ng panahon. Sa loob ng apat na taong ito, napakarami kong natutunan, sa lahat ng aspeto ng bagay hehe... hinding-hindi ko rin makakalimutan ang lahat ng naging kaibigan ko. Maraming salamat sa pagpuno ninyo sa aking buhay! Sigurado akong hindi ko kayo makakalimutan! =)

Grad Ball!
Grad ball!
4 days bago ang Graduation, nagkaroon ang department naming kahapon ng graduation ball sa Villa Immacula, Intramuros. Matapos ang mahabang pag-uusap at pagtatalo, natulog din ang pinakaaabang na grad ball. Naging maayos naman ang gabi. Ang mga kabatch ko na araw-araw na puyat at pagod ay bida ngayong gabing ito. Ang mga professor ay nagkaroon din ng malasakit sa mga graduating students. Sari-saring words of wisdom at encouragement ang madidinig mula sa kanila. Nandoon ang karamihan ng CS faculties maliban kay Sir Zaldy na hindi ko napansin ng gabing iyon. Masarap naman ang mgaa pagkain, medyo nabitin lang ako sa burger steak, ang bilis kasing naubos. Ang mga inasahang magsasayaw ay nagsayaw ng gabing iyon… pati na si Denver at Abie.. uyyyy… :P Hindi kumpleto ang block naming sa grad ball, may ilang pasaway at hindi sumama, pero ok naman naging masaya ang gabi.

Subscribe to:
Posts (Atom)