Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Skin Design:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

Saturday, April 23, 2005

The Eve of the Graduation....

The Eve of the Graduation....

Bisperas ng graduation ko ngayon. Bukas ay magwawakas ang mahigit 14 na taon ng aking pagiging estudyante. Kung babalikan ang lahat ng aking napagdaanan, halo-halong saya at hirap ang aking naranasan. Nandoon ang makasalamuha ang mga “bully” na classmate at nandoon din ang makakita ka ng mga totoong tao na kasama hanggang sa ngayon. Sila ang mga kaibigan kong itinuturing kong kapatid at yaman ng aking buhay. (Naks! Ang drama!)

Sa pagtungtong ko ng kolehiyo, mas naging exciting ang naging takbo ng buhay estudyanre ko. Bagong eskuwelahan, bagong mga kaklase, bago lahat. Hindi naging madali ang pag-adjust, pero dahil sa mga bago kong nakilala at mga naging kaibigan agad, naging maayos naman ang mga sumunod. Si Johann ang unang taong nakilala ko sa classroom. Ewan ko bakit siya.. wehehe peace johann! Sumunod si Chris, dahil sa magkasunod ang aming surname sa tuwing alphabetical ang seating arrangement. Tapos nakita ko na lang na dumadami na ang nakakasama ko at nakikilala, wala pang isang buwan, bonded na kaming lahat. Ok kong masasabi ang naging takbo ng first year ko, maliban sa isang back subject. At habang lumalaon ang mga taon ko sa PLM, mas nagiging masaya ang mga experiences, syempre hindi mawawala ang ilang tampuhan at pagkakagalit sa grupo at sa klase.

Ngayong lilisanin ko na ang PLM, marami rin akong mamimiss (akalain mo!)

Mamimiss ko ang bawat hagdan sa Gusaling Villegas, memorable ito para sa bawat taga CET, hindi lamang hagdaanan ang papel nito, waiting shed kapag nag-aantay ng prof, tsismisan area, isama mo na rin na nagiging study area ito pag wala nang ibang lugar.

Mamimiss ko din ang Gusaling Lacson, ang tinaguriang Camp Big Falcon dahil sa disenyo ng gusaling ito. In fairness, pinipinturahan na ito ngayon ng matingkad na PINK!

Ang PLM Parade grounds, nahigaan ko na ito, nag-roll over noong ROTC days, picture area din naming at ngayon pinakamemorable dahil ditto gaganapin ang graduation namin.

Ang canteen, na malalaman mong galling ka ditto dahil sa mangagamoy ulam ka. Isama mo na rin ang tindang rice in a box na iisa ang lasa kahit ibahin mo ang order mo.

Ang mga kwartong GV 210,211, 310 at 311, ditto kadalasan nagkukuta ang mga CS students. Ditto nagaganap ang mga lessons, reporting, presentation pati na rin defenses.

Ang tapat ng CET faculty, ditto naman kami nagkukuta pag may hinahunting na prof, ginawang tambayan, higaan ang sahig dahil nga may inaantay na prof… na minsan hindi dumadating. Pero hindi naman nasasayang ang oras dahil kung anu-ano ang ginagawa para lumipas ang oras. Minsan pa nga nagbabalik bata ang mga feeling na batang kaklase ko…

Ilan lang ito sa mamimiss ko sa PLM, madami pang iba… ipopost ko na lang next time.

No comments: