Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Skin Design:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

Sunday, May 01, 2005

Unang sabak sa Job Fair

Unang sabak sa Job Fair.

Pitong araw matapos kong grumadweyt, sabak na agad sa paghahanap ng trabaho. Unang pinuntahan, ang “Jobs for Life” sa Robinsons Galleria, DZMM at DWRR ang may pakana nito. Kasama ko sina Jay-R at Karlo, mga alas-onse na kami nakarating at laking gulat ko sa dami ng tao sa labas. Hindi pa kami agad nakapasok, sisikan, tulakan, balyahan ang naganap bago kami nakapasok. Basang-basa ng pawis ang damit ko. Pagpasok sa loob ng trade hall, masikip din. Bad trip talaga! Nakapagpasa naman kami ng resume, pero puro call center ang karamihan doon, Sykes, ClientLogic, Link2Support, ICT. Netopia at ABS-CBN lang ang hindi call center na napasahan ko. Mga alas dos na ng hapon nang makalabas kami doon. Pagkatapos kumain muna kami dahil nalipasan na din kami. Nagbalak kaming pumunta sa Megamall pagkatapos, may isa pa kasing job fair doon.

Kung ano ang ikinagulo ng jobfair sa Robinsons ay siyang ikinaayos ng sa Megamall. Sana pala ito na yung inuna namin. Karamihan din puro call center, nandun yung hinahanap ko, Convergys, kaso hindi ako nagpasa. May on the spot interview na kasi, at hindi na kaaya-aya ang itsura ko ng mga panahong iyon. Kaya sa iba na lang kami nagtingin-tingin. Nadagdag sa listahan ko ang People Support at E-telecare. Nagkaroon na rin kami ni Jay-R ng exam date para sa Accenture, May 7 ito. Umuwi na kami pagkatapos, halatang mga pagod, walang pansinan sa MRT, parang magkakagalit.

Sana may tumawag na sa akin agad.

No comments: