Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Skin Design:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

Thursday, May 12, 2005

About PS Bank, a Bedista and an Atenean

About PS Bank, a Bedista and an Atenean

Exam day ko kanina sa PS Bank. Ito ang ilang highlights

10:00 am- Medyo late na ako nagising. Nagiging habit ko na kasi ang late matulog kaya late na din ako magising.

10:30 am- Nagprint muna ako ng resume ng ilang kaklase ko, isasabay ko na rin sa pagpunta ko para maipasa na rin. Pagkatapos, kumain na ako at naligo.

11:45 am- Umalis na kami sa bahay. Nag-taxi na lang kami para less-hassle. Saka para hindi na rin masyado mainit…

12:09pm – Dumating na kami sa destinasyon. Tumuloy ako sa loob at nagtanong sa guard sa lobby. “Sa seventh floor ang exam, labas ka muna kasi 1 pa ang umpisa.” Okay! Sobrang aga ko pala, at akala ko may waiting shed na pwedeng naming pag-antayan, wala pala. Dun na lang sa may railings kami nag-antay Bad trip.

12:45pm – Nang makita kong nagpapasukan na ang ibang examiners, pumasok na rin ako, naglog muna sa attendance sheet at nag-antay sa isang tabi kasi nga ala-una pa magpapaakyat. Dun ko nakilala si Frank, taga San Beda Cavite, (may San Beda pala sa Cavite?!?). Tinanong ako kung mag-eexam ako, sa isip-isip ko, “Obvious ba? Tatayo ba ako rito kung trip ko lang? Ano ako baliw? Pero dahil sa mabait ako hindi iyon ang sinagot ko… “Oo, ikaw rin? (tamang balik ng tanong.. hehe) At sa wakas… sabi ng guard pwede na kaming umakyat…

Pagdating sa itaas, di pa agad nag-umpisa yung exam, nagkumpol muna kaming lahat sa may pintuan. Ewan ko ba, takot atang pumasok sa loob yung mga nauna sa amin. Tinawag na rin kami at hinati sa grupo ng tiglalabingdalawa. Hiwalay ang babae sa lalaki, tig-aanim sa bawat kwarto.

1:09 pm- Nag-umpisa na yung exam. Mathematical Ability yung una. Hanep, Math pa talaga ang inuna, 25 items 20 miniuutes, ang saya, tiningnan ko muna, madali naman yung mga items. Number series at ilang problem solving. Inuna ko ang madadali, iniwan ang medyo matagal sagutan.
“Last 10 minutes” sigaw nung nagbabantay, saya! Ang konti palang ng nasasagutan ko at 10 minutes na iyon…karirin ba kasi ang bawat number.
“Last 3 minutes” hala! Parang basketball ba ito? Binalak ko pang balikan yung iba, kaso…
“Ok,pass answer sheet and test booklet.” Pusang-gala! (ika nga ni Mae) 3 minutes na yon?

Nagkukwento si Frank habang kinechekan yung mga papel namin. (Oo,katabi ko siya, dalawahan lang per table e) Hanggang sa nagsalita na naman yung nagbabantay…

“I will announce the names of those who passed the first set. For those who didn’t, thank you for trying with PS Bank. You can retake the exam after 6 months.”

Elimination ang type ng test nila. Para makaproceed ka sa susunod kailangan mong maipasa bawat set. 3 sets lang yun. First set pa lang, out na ako… Pana tuloy siyang si Boy Abunda na nagsasabing, “for me your out!” Ecpected ko na ring hindi ako papasa sa dami ng blanko ko. Sa anim na tao sa kwarto, 3 kaming na-out agad. Ngapala, pasado sa first set yung katabi kong si Frank, ewan ko na lang kung umabot pa siya ng 3rd set, umalis na ako e. Iniwan ko na rin yung ilang resume pagkalabas ko ng HR office. Habang nag-aantay ng elevator, nakausap ko yung kasabay kong mag-exam na na-out din. Si Paul na taga Ateneo, napansin ko na siya sa may lobby pa lang. Nagkausap kami sa elevator, at pareho lang ang naging kaso, hindi niya rin nasagutan ang ilang items.. hehehe

1:50 pm – kinuha ko na yung ID ko sa guard. Pagkatapos, nagpaalam na din ako kay Paul with matching tapik sa braso (feeling close agad! :p) At umuwi na.

2:10 pm – Nasa bahay na ako na parang wala lang at ordinary day. Nanood lang ako ng Ms. Congeniality 2 pagkatapos.

Hindi para sa akin ang PS Bank…yun lang.

2 comments:

Ef said...

tol ano pa mga type ng exam sa PS bank?.. pwede humingi ng sample

myjoy said...

..i also failed the exam knina.pang 9 nman kme.nauna q senyo..haaaay badtrip un!!!!panu na toh wala pa ko work...hehe
la lng...hi!!!!

im joy..