FIRST STOP: SM Manila
Alas-diyes ang usapan namin kaso mga 10:45 na kami nagkita, lam mo na hehehe. At dahil tipid ang mga budget namin naglibot kami ng murang picturan. Una naming nakita ang Island Photo, pero umatras kami, 120.00 kasi, bad trip, baka kulangin ang perang ko, mamasahe pa kasi kami papuntang Civil Service. Libot kami uli hanggang maisip ko ang Foto-Me, akala ko mura lang doon eh, 120 rin pala, mas bad trip. Akala namin sa labas na kami hahanap, pero naisip namin ang Tronix, kaya akyat kami dun, kaso ala naman yung size na hanap namin! Bad trip na naman! Pero never say die, lakad pa rin kami hanggang dalhin kami ng mga paa namin sa Photo Line, ayos meron dun! 72 pesos 4 na kopya, may negative pa. At mukhang marami nang nagpapicture dun kasi tinanong kami ng photographer, "para sa Civil Service?" Pagkatapos, nagdecide muna kaming pumunta sa PLM para sa TOR.
SECOND STOP: PLM
Mahigit isang buwan na siguro nang huli akong bumalik sa PLM,
wala pa rin pinagbago, nandun pa rin ang "Doghouse" (tawag ko sa Guardhouse ng PLM na daig pa ang mga bulldog sa pagbabantay). Pero kapuna-puna ang isang pagbabagong nakita ko,
bago ang uniform ng mga empleyado, at take note pati ang dating naka-casual wear na taga xerox ay may uniform na rin! San ka nga naman lulugar!.
Meron uling itatayong pasilidad sa PLM, ang PLM University Activity Center, nakanaman o... ilang taon kaya uli bago ito maisakatuparan? Sana hindi ito matulad sa PLM Alumni Center (yung malapit sa University Chapel) na hanggang ngayong nakagraduate na ako'y hindi pa rin tapos. Pero ang nakakaigayang pangyayari ay ang nakita ko sa Gusaling Lacson aka Camp Big Falcon, nakalasap na ito ng "total make-over".
Hindi na ito mukhang sunog na building dahil kaitiman ng kulay. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang kulay nitong pink at peach. Naman talaga ang PLM, kahit saan nagiging unique. Matapos ang ilang sandali ng paglilibot sa PLM, bumalik na kami sa SM, para kunin yung picture.
THIRD STOP: CIVIL SERVICE COMMISSION Pagkakuha ng picture, tuloy na kami agad magbiyahe. Sa kasagsagan ng init ng araw, sumakay kami ng jeep ang nagpababa na lang sa aming destinasyon. Bandang alas-dos narating na namin ang Cordillera St. Pagkababa, may mga tricycle namang nag-aabang kaya sumakay na kami. Tuloy-tuloy na ito sa Civil Service Commission. Pagkadating, agad naman kaming pumasok at syempre pumila! May kahabaan ang unang step dahil tinitingnan kung maayos ba ang application form mo. Mga 20 minutes din kaming pumila don. Pagkatapos, bibigyan ka ng numero at aantayin mong matawag para ma-process na ang application. At pagkatapos aantayin na lang ang resibo. Akala ko nung una hindi namin matatapos ng isang araw, pero 3:15 pa lang ng hapon tapos na kami.
FOURTH STOP: ESPANA
Kung ano ang ikinabilis namin sa Civil Service ay siyang itinagal namin dahil.. TRAPIK! Grabe, First Friday nga pala ng araw na iyon at nagkataon pang Quaipo day.
Kaya bumaba na lang kami sa may Espana at nagdecide kumain, at dahil "No ID, No Entry na sa UST" (kelan pa?) sa may Mini-Stop na lang kami bumili ng pagkain. At ilang sandali, nagdesisyon na kaming umuwi.
No comments:
Post a Comment