CONVERGYS, the continuation
Pasado ako sa simulation activity ng Convergys! Sulit naman ang pagbalik ko doon kanina. At ngayon, nag-aantay na lang ako ng schedule para sa final interview. Kakaiba yung exam dun, nakakaaliw.
First Exam: Call Center Simulation
Dito magiging call center agent ka, kaso hindi ka magsasalita. Makikinig ka lang sa pre-recorded calls, tapos may may mga tanong. Kailangan mong iinput ng tama ang Account Number at Account Name. Pagkatapos, may mga situation doon, kailangan mo itong irate batay sa effectiveness. 8 calls ang kailangan mong sagutin.
Second Exam: E-Skills
Dito naman, makikinig ka pa rin. Susubukan ang bilis mong mag-input ng information. Pagkatapos non, gagawa ka naman ng email. Parang email support, yung mga nagtanong through email sasagutin mo lang, pero hindi basta sagot lang. May format dapat. At yung ikatlo, keyboarding. Kailangan mong itype ulit yung isang email.
Tanggap ko nang hindi ako papasa sa second exam, kasi ba naman hindi ko natapos yung keyboarding. Naubusan ako ng oras. Hinanda ko na yung gamit ko para sakaling tawagin man ako lalabas na ako. At tinawag nga ako. Pero laking gulat ko ng pinapunta ako sa isang silid at pinasagutan sa akin yung Third Exam. Gosh, napasa ko yung pangalawa.
Third Exam: Written
Tungkol na ito sa inaaplyan mo. Technical Customer Care Representative ang inapplyan ko kaya puro tungkol sa computer ang tanong. Yung test II Mathematical Reasoning. At yung panghuli, Logical Reasoning.
Makalipas ang ilang minuto, pinasa ko na yung papel ko. Pinaupo muna ako habang inaantay yung result. Grabe ang kabang naramdaman ko nito. Pero natuwa naman ako nung sinabi na, “Congratulations, you’ve passed this stage, please fill-out this form and submit it to me.” Information sheet yun na kung saan ilalagay mo yung date kung kelan ka available for interview at kung sakaling magwowork ka na. Pinasa ko na uli pagkatapos. At nakausap ko si Tony, yung nag-interview sa akin at nagpabalik. Buti daw at bumalik ako… hehe mag-antay daw ako ng tawag for final interview. Tapos, umalis na ako, daan uli ng UST bago umuwi, sa Dapitan kasi ako sumakay.
Final interview na… isa na lang.
Sunday, May 22, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
nice story man!
salamat sa info.
gud luck sa career
cute.=)
Post a Comment