What's your market value?
Makalipas ang ilang araw, may tumawag na rin sa akin mula sa job fair. Kahit papaano, may nakapansin din sa resume ko. Kahapon pa ito tumatawag pero ngayon ko lang nasagot.
CL: Hi, this is Anna from Client Logic, i'm looking for Mr. Michael Sherwin Nasol.
ME: Speaking!
CL: Hi! Mr. Michael, this is regarding with your application with us. I would like to know if you're still interested?
ME: Oh, yes mam, i'm still interested.
CL: Are you available for a phone interview today or would you like to set it some other time?
Phone interview? Ok sige, pumayag na ako, nandyan na e, tatanggi pa ba.
CL: Ok, Mr. Michael, what position ate you applying for?
ME: I am applying for the position of Technical Support Representative.
Maayos naman ang mga tanong sa akin. Yung mga expected questions ang naitanong. Pero nawindang ako sa panghuling tanong.
CL: Ok, Mr. Michael, what is your market value?
Alangan ako sa isasagot ko, pero siyempre dapat di pahalata na hindi ko alam ang isasagot, pero sagot pa rin.
ME: Umm, i think my market value is myself?!?
Nahalata siguro ng operator na hindi ako sigurado sa sagot kaya siguro inulit niya yung tanong, pro ganon paring yung sagot ko. Kaya siguro nirephrase na lang niya yung tanong.
CL: What i mean is, what is your expected salary?
Nice yun pala ang nais niyang ipakahulugan dun. Parang dun ako nsira ah! Dun na nagtapos yung phone interview. Mag-antay na lang daw ako ng 2-3 days kung tanggap ako. Pagkababa ng phone, tinawagan ko yung iba kong kaklase, tinanong ko rin yung last question.. hehe. Pero nang ikwento ko ang nangyari sa kin, di sila mapigil ng kakatawa..kahit ako.. good luck na lang kung makapasa ako sa phone interview na yun. hehe...
Friday, May 06, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment