CONVERGYS, the FINALE
Matapos ang halos dalawang linggo na pag-aaply sa Convergys, lumabas na rin ang resulta.
Dear Michael,
Thank you for you interest in applying for the position of Technical Customer Care Representative (Full Time).
We regret to inform you that based on our assessment, you were unable to reach the desired behavioral standards expected from the position you have applied for.
Furthermore, if you wish to pursue your application with us, you may re-apply after six (6) months from your date of application.
Godspeed!
Rochelle P. Reyes
Recruitment
U-belt
Nalungkot ako sa resulta, aaminin ko, ewan ko anong behavioral standard ang hanap nila at hindi ko RAW ito naabot. Bad trip. Nasayang man ang effort ko, at least nagtry ako. Hindi muna ako maghahanap ng trabaho. Kailangan kong I-assess muli ang aking sarili.
Sunday, May 29, 2005
Saturday, May 28, 2005
CONVERGYS, the final interview
CONVERGYS, the final interview
Alas-kwatro nakaset ang interview ko kanina, quarter to 4 ako dumating. Pa-bibo effect. Pero, umaapaw ang kabang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Buti na lang, may panahon pa akong maghinay-hinay. Hindi pa kasi ako nasalang agad. 4:10 pm, tinawag na ako at pinapasok sa isang silid. Pero hindi pa agad nag-umpisa, kinuha muna yung mga papeles ko. Mga ilang minuto ang lumipas, nag-umpisa na. Binigay ko na lahat. Inayos ko ang pagsasalita ko at pagsagot ko. 4:25 pm tapos na ako. Sinabi ng Recruitment Manager na mag-antay ng email. Nagpasalamat ako sa kanya at umalis na. Sa UST uli ang naging daan ko at pumunta muna kanila Kitchie. Pagkadating sa Buendia, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Bad trip. Basang-sisiw akong dumating kanila Kitchie. Nagtagal din ako ng ilang oras dun bago umuwi.

Thursday, May 26, 2005
Ryan's day!
Happy Birthday! Ryan!
Happy Birthday Ryan! Isang taon na naman ang nadagdag sa edad mo! Good Luck sa job-hunting! Makakahanap ka rin ng para sa iyo!

Sunday, May 22, 2005
CONVERGYS, the continuation
CONVERGYS, the continuation
Pasado ako sa simulation activity ng Convergys! Sulit naman ang pagbalik ko doon kanina. At ngayon, nag-aantay na lang ako ng schedule para sa final interview. Kakaiba yung exam dun, nakakaaliw.
First Exam: Call Center Simulation
Dito magiging call center agent ka, kaso hindi ka magsasalita. Makikinig ka lang sa pre-recorded calls, tapos may may mga tanong. Kailangan mong iinput ng tama ang Account Number at Account Name. Pagkatapos, may mga situation doon, kailangan mo itong irate batay sa effectiveness. 8 calls ang kailangan mong sagutin.
Second Exam: E-Skills
Dito naman, makikinig ka pa rin. Susubukan ang bilis mong mag-input ng information. Pagkatapos non, gagawa ka naman ng email. Parang email support, yung mga nagtanong through email sasagutin mo lang, pero hindi basta sagot lang. May format dapat. At yung ikatlo, keyboarding. Kailangan mong itype ulit yung isang email.
Tanggap ko nang hindi ako papasa sa second exam, kasi ba naman hindi ko natapos yung keyboarding. Naubusan ako ng oras. Hinanda ko na yung gamit ko para sakaling tawagin man ako lalabas na ako. At tinawag nga ako. Pero laking gulat ko ng pinapunta ako sa isang silid at pinasagutan sa akin yung Third Exam. Gosh, napasa ko yung pangalawa.
Third Exam: Written
Tungkol na ito sa inaaplyan mo. Technical Customer Care Representative ang inapplyan ko kaya puro tungkol sa computer ang tanong. Yung test II Mathematical Reasoning. At yung panghuli, Logical Reasoning.
Makalipas ang ilang minuto, pinasa ko na yung papel ko. Pinaupo muna ako habang inaantay yung result. Grabe ang kabang naramdaman ko nito. Pero natuwa naman ako nung sinabi na, “Congratulations, you’ve passed this stage, please fill-out this form and submit it to me.” Information sheet yun na kung saan ilalagay mo yung date kung kelan ka available for interview at kung sakaling magwowork ka na. Pinasa ko na uli pagkatapos. At nakausap ko si Tony, yung nag-interview sa akin at nagpabalik. Buti daw at bumalik ako… hehe mag-antay daw ako ng tawag for final interview. Tapos, umalis na ako, daan uli ng UST bago umuwi, sa Dapitan kasi ako sumakay.
Final interview na… isa na lang.

Saturday, May 21, 2005
Debut ko na!
Debut ko na!
Debut ko na! hehehe Isang taon na naman ang itinanda ko. Grabe. Simple lang ang naging takbo ng araw ko, alas dos nag-exam ako sa Convergys na akala ko ay bagsak ako. Oo, hindi ko natapos yung exam dahil sa isang techinal error. Online ang examination dun at nagkataon namang nasira ang Internet connection, dahil doon maling exam ang naibigay sa pangalan ko kaya akala ng examinee bagsak ako. Lumabas na ako ng testing area at nagdecide umuwi. Pero bago ako umuwi, dumaan muna ako sa UST, wala lang dalaw lang. Pagkauwi ko, sinabi ni Mama na pasado ako, tinatawagan ako ng Convergys pero di ako macontact, nagkataon kasing nasira yung cellphone ko kaya nakapatay, nakadivert sa bahay kaya si Mama ang nakatanggap. Bumalik daw ako kinabukasan para sa continuation.
Kinagabihan, nagkaroon ng konting kainan sa bahay, dahil birthday ko nga, kailangan ko rin namang ipagdiwang ang araw ko. Simple lang ang handa, manok, miki-bihon, orange juice at ang walang kamatayang cake. Apat lang kami, sina JayR, Karlo, Ryan at ako. Konti lang pero ok naman. Naging masaya naman ang araw ko kahit papaano. Babalik pa pala ako sa Convergys bukas.
Para sa Ka-Birthday kong si Mae!
May ka-birthday nga pala ako ngayong araw na ito, Maligayang Bati, Mae! Napakaswerte mo, sa lahat ng tao sa mundo ako ang kasabay mo. Happy Birthday!

Friday, May 20, 2005
Star Wars
Nanoond kami nina JayR, Kitchie at Wewek ng Star Wars sa Robinsons Manila kanina. The finale of the saga. Nakakalungkot ang ilang pangyayari na uminog sa istorya. Lalong-lalo na sa pagitan nina Anakin Skywalker at Obi-Wan. Don’t want to be a spoiler. Panoorin mo na lang. Bago iyon, tumawag sa cellphone ko ang Convergys, regarding sa application ko. Nagkaroon muna ng phone interview, biglaan naman, di ko inaasahan na may tatawag sa akin ng araw na iyon. Akala ko hindi ako pasado sa phone interview, pero ok naman, may schedule ako ng exam bukas. 2 pm sa Convergys U-belt. Nice, birthday na birthday ko may exam… pero ok lang.
Thursday, May 19, 2005
Cheryl's 3rd
Today is the 3rd death anniversary of my dear friend, Cheryl. Please take a moment a offer a prayer for her.
Wednesday, May 18, 2005
Random Thoughts
Random Thoughts
- Nagbalik na pala si BJ Manalo sa PBL bilang point guard ng Granny Goose Kornets. May dahilan na naman para manood ng PBL. Kaso talo ang Kornets kanina laban sa Magnolia, but overall it was a close exciting game.

- Tumawag kanina ang E-telecare, sana ok sa kanila ang phone interview ko kahit kagigising ko lang nung tumawag sila.
- Sa Call center na ba talaga ang bagsak ko?
- Gusto kong bumili ng bagong DVD at Korean series, kaso wala pa akong pera. Sa birthday ko na lang… magpapabili ako para libre… hehehe
- Birthday ko na pala. Yun lang
Tuesday, May 17, 2005
Me on Y Speak Live?!?
Me on Y Speak Live?!?
Angelo, the college editor of Chalk Magazine, called me at home today asking me if I could sit in this Sunday for Y Speak Live!. I thought I was going just to be an audience but to my delight he told me that I’m going to be a Y Speaker! I will be one the people defending a side! The topic, “Who’s better in a relationship, man or woman?” Obviously, I will be defending my side as a man Oh my! I hardly speak when I found out. I refused to the offer of Angelo, told him that I’m just going to be speechless as a Y Speaker and I’m toooo shy to be one. He understand me and told me I’m so sorry.
Haay, after that conversation, I had second thought. “Did I let an opportunity pass?” “ Why can’t I” “Is it a right decision for me to refuse?” “Di ba yun ang gusto mo? Bat mo tinanggihan!”
It’s not that I can’t do it. I can be a Y Speaker, but I know myself, I’m not used to that kind of surrounding, the nervousness that I will be feeling will be killing me. And too much shyness hinders me to be one. This is one of the trait I wanted to improve. I am too shy for anything. Haay… I don’t what to be forever shy… being one already affects me as a person.
Sayang. I won’t have my pictures taken with Ryan Agoncillo and Bianca Gonzales.

Monday, May 16, 2005
Happy Birthday Abie!
Happy Birthday Abie!
Sa thesis partner ko na nagbigay sa akin ng sakit ng ulo!
Sa taong kinarir ang Super Cyber Cookie (thesis namin) bukod sa akin!
At higit sa lahat…
Sa taong kinaiingitan at kinaiinsecuran ng marami (dahil maganda kahit hindi magpaganda)
Maligayang Bati!

Friday, May 13, 2005
American Idol: Anthony Fedorov
American Idol: Anthony Fedorov
Tanngal na si Anthony Fedorov! Ang pinakagusto ko sa American Idol bukod kay Constantine at Carrie Underwood. Pero sa lahat sa kanila si Anthony ang gusto. Wala lang. Bad trip pero expected na rin. After matanggal si Scott Savol last week, alam ko nang matatangal na si Anthony anytime this week. Anyways, si Carrie na lang ang natitirang bet ko, di ko kasi gusto si Bo Bice.

Thursday, May 12, 2005
About PS Bank, a Bedista and an Atenean
About PS Bank, a Bedista and an Atenean
Exam day ko kanina sa PS Bank. Ito ang ilang highlights
10:00 am- Medyo late na ako nagising. Nagiging habit ko na kasi ang late matulog kaya late na din ako magising.
10:30 am- Nagprint muna ako ng resume ng ilang kaklase ko, isasabay ko na rin sa pagpunta ko para maipasa na rin. Pagkatapos, kumain na ako at naligo.
11:45 am- Umalis na kami sa bahay. Nag-taxi na lang kami para less-hassle. Saka para hindi na rin masyado mainit…
12:09pm – Dumating na kami sa destinasyon. Tumuloy ako sa loob at nagtanong sa guard sa lobby. “Sa seventh floor ang exam, labas ka muna kasi 1 pa ang umpisa.” Okay! Sobrang aga ko pala, at akala ko may waiting shed na pwedeng naming pag-antayan, wala pala. Dun na lang sa may railings kami nag-antay Bad trip.
12:45pm – Nang makita kong nagpapasukan na ang ibang examiners, pumasok na rin ako, naglog muna sa attendance sheet at nag-antay sa isang tabi kasi nga ala-una pa magpapaakyat. Dun ko nakilala si Frank, taga San Beda Cavite, (may San Beda pala sa Cavite?!?). Tinanong ako kung mag-eexam ako, sa isip-isip ko, “Obvious ba? Tatayo ba ako rito kung trip ko lang? Ano ako baliw? Pero dahil sa mabait ako hindi iyon ang sinagot ko… “Oo, ikaw rin? (tamang balik ng tanong.. hehe) At sa wakas… sabi ng guard pwede na kaming umakyat…
Pagdating sa itaas, di pa agad nag-umpisa yung exam, nagkumpol muna kaming lahat sa may pintuan. Ewan ko ba, takot atang pumasok sa loob yung mga nauna sa amin. Tinawag na rin kami at hinati sa grupo ng tiglalabingdalawa. Hiwalay ang babae sa lalaki, tig-aanim sa bawat kwarto.
1:09 pm- Nag-umpisa na yung exam. Mathematical Ability yung una. Hanep, Math pa talaga ang inuna, 25 items 20 miniuutes, ang saya, tiningnan ko muna, madali naman yung mga items. Number series at ilang problem solving. Inuna ko ang madadali, iniwan ang medyo matagal sagutan.
“Last 10 minutes” sigaw nung nagbabantay, saya! Ang konti palang ng nasasagutan ko at 10 minutes na iyon…karirin ba kasi ang bawat number.
“Last 3 minutes” hala! Parang basketball ba ito? Binalak ko pang balikan yung iba, kaso…
“Ok,pass answer sheet and test booklet.” Pusang-gala! (ika nga ni Mae) 3 minutes na yon?
Nagkukwento si Frank habang kinechekan yung mga papel namin. (Oo,katabi ko siya, dalawahan lang per table e) Hanggang sa nagsalita na naman yung nagbabantay…
“I will announce the names of those who passed the first set. For those who didn’t, thank you for trying with PS Bank. You can retake the exam after 6 months.”
Elimination ang type ng test nila. Para makaproceed ka sa susunod kailangan mong maipasa bawat set. 3 sets lang yun. First set pa lang, out na ako… Pana tuloy siyang si Boy Abunda na nagsasabing, “for me your out!” Ecpected ko na ring hindi ako papasa sa dami ng blanko ko. Sa anim na tao sa kwarto, 3 kaming na-out agad. Ngapala, pasado sa first set yung katabi kong si Frank, ewan ko na lang kung umabot pa siya ng 3rd set, umalis na ako e. Iniwan ko na rin yung ilang resume pagkalabas ko ng HR office. Habang nag-aantay ng elevator, nakausap ko yung kasabay kong mag-exam na na-out din. Si Paul na taga Ateneo, napansin ko na siya sa may lobby pa lang. Nagkausap kami sa elevator, at pareho lang ang naging kaso, hindi niya rin nasagutan ang ilang items.. hehehe
1:50 pm – kinuha ko na yung ID ko sa guard. Pagkatapos, nagpaalam na din ako kay Paul with matching tapik sa braso (feeling close agad! :p) At umuwi na.
2:10 pm – Nasa bahay na ako na parang wala lang at ordinary day. Nanood lang ako ng Ms. Congeniality 2 pagkatapos.
Hindi para sa akin ang PS Bank…yun lang.

Tuesday, May 10, 2005
Wewek's Day and Meteor Garden Returns!
Maligayang Kaarawan! Wewek!
Inilalalaan ko ang bahaging ito ng aking blog para batiin ang kaibigan kong si Judith, Kaarawan niya ngayon! Maligayang bati, Wewek!
TV Stuff: Meteor Garden Returns!
Meteor Garden na uli! Ibinalik na ng ABS-CBN ang Meteor Garden! Aaminin ko namiss ko ito…kahit may VCD na ako ng series, iba pa rin kapag pinapanood mo sa TV at nasa wikang Filipino. Inantay ko ang muling pagtugtog ng Qing Fei Da Yi, hehe namiss ko talaga to…masisilayin kong muli ang F4 at si San Chai. Ang saya!

Sunday, May 08, 2005
Accenture and some kilig moment
Accenture and some kilig moment...
Exam naming ni Jay-R sa Accenture ngayon. 10:30 am nagkita na kami sa may St. Anthony, tapos pumara ng taxi papunta. Hindi namin alam yung lugar kaya nagpatulong kami kay manong drayber. Pagdating sa lugar, nagfill-out kami ng form, application form na may essay sa bandang dulo. Syempre may nakita ako… tanungin mo nalang ako kung ano yung nakita ko…hehehe...mushy ba?
Mga 15 minutes pass 12 nagstart na kami, nagkaroon muna ng orientation about the company, anong mga position of ever na matatanggap at mga pointers sa exam. Pang-apat na row ako nakaupo sa tabi ng bintana, at sa hindi inaasahang pagkakataon, katabi ko yung nakita ko sa labas, bad trip… pero syempre ang atensyon dapat nasa exam at wala sa katabi…
Ok naman ang exam, maliban sa Math, as usual, ang pinakahate ko eversince isilang ako. Pero naubusan ako ng oras sa flowchart. Malapit na ang alas tres nang lumabas ako sa testing area. At mas badtip, di ko man lamang siya nasilayan pagkalabas ko… baka makahalata wehehehe… Tumuloy na kami sa Glorietta pagkatapos dahil pupunta din dun sina Kitchie at Patrick, galling sila sa libing ng tatay ni Cecille. Bibili din ako ng regalo para kay Mama bukas, Mother’s day kasi. Pagkatapos dumaan naman kami sa shop nina Kitchie, dumalaw sina Jay R at Patrick, at ako para ayusin ang Ragnarok nila. Ok na, naayos ko na… umuwi na kami pagkatapos.

Friday, May 06, 2005
What's your market value?
What's your market value?
Makalipas ang ilang araw, may tumawag na rin sa akin mula sa job fair. Kahit papaano, may nakapansin din sa resume ko. Kahapon pa ito tumatawag pero ngayon ko lang nasagot.
CL: Hi, this is Anna from Client Logic, i'm looking for Mr. Michael Sherwin Nasol.
ME: Speaking!
CL: Hi! Mr. Michael, this is regarding with your application with us. I would like to know if you're still interested?
ME: Oh, yes mam, i'm still interested.
CL: Are you available for a phone interview today or would you like to set it some other time?
Phone interview? Ok sige, pumayag na ako, nandyan na e, tatanggi pa ba.
CL: Ok, Mr. Michael, what position ate you applying for?
ME: I am applying for the position of Technical Support Representative.
Maayos naman ang mga tanong sa akin. Yung mga expected questions ang naitanong. Pero nawindang ako sa panghuling tanong.
CL: Ok, Mr. Michael, what is your market value?
Alangan ako sa isasagot ko, pero siyempre dapat di pahalata na hindi ko alam ang isasagot, pero sagot pa rin.
ME: Umm, i think my market value is myself?!?
Nahalata siguro ng operator na hindi ako sigurado sa sagot kaya siguro inulit niya yung tanong, pro ganon paring yung sagot ko. Kaya siguro nirephrase na lang niya yung tanong.
CL: What i mean is, what is your expected salary?
Nice yun pala ang nais niyang ipakahulugan dun. Parang dun ako nsira ah! Dun na nagtapos yung phone interview. Mag-antay na lang daw ako ng 2-3 days kung tanggap ako. Pagkababa ng phone, tinawagan ko yung iba kong kaklase, tinanong ko rin yung last question.. hehe. Pero nang ikwento ko ang nangyari sa kin, di sila mapigil ng kakatawa..kahit ako.. good luck na lang kung makapasa ako sa phone interview na yun. hehe...

Happy Birthday, Cecille!
Happy Birthday, Cecille!
Para kay Cecille ang bahagi ng blog na ito! Maligayang Kaarawan, Ces! Sa pinagdadaanan mong pagsubok ngayon ay malalampasan mo rin yan.

Sunday, May 01, 2005
Unang sabak sa Job Fair
Unang sabak sa Job Fair.
Pitong araw matapos kong grumadweyt, sabak na agad sa paghahanap ng trabaho. Unang pinuntahan, ang “Jobs for Life” sa Robinsons Galleria, DZMM at DWRR ang may pakana nito. Kasama ko sina Jay-R at Karlo, mga alas-onse na kami nakarating at laking gulat ko sa dami ng tao sa labas. Hindi pa kami agad nakapasok, sisikan, tulakan, balyahan ang naganap bago kami nakapasok. Basang-basa ng pawis ang damit ko. Pagpasok sa loob ng trade hall, masikip din. Bad trip talaga! Nakapagpasa naman kami ng resume, pero puro call center ang karamihan doon, Sykes, ClientLogic, Link2Support, ICT. Netopia at ABS-CBN lang ang hindi call center na napasahan ko. Mga alas dos na ng hapon nang makalabas kami doon. Pagkatapos kumain muna kami dahil nalipasan na din kami. Nagbalak kaming pumunta sa Megamall pagkatapos, may isa pa kasing job fair doon.
Kung ano ang ikinagulo ng jobfair sa Robinsons ay siyang ikinaayos ng sa Megamall. Sana pala ito na yung inuna namin. Karamihan din puro call center, nandun yung hinahanap ko, Convergys, kaso hindi ako nagpasa. May on the spot interview na kasi, at hindi na kaaya-aya ang itsura ko ng mga panahong iyon. Kaya sa iba na lang kami nagtingin-tingin. Nadagdag sa listahan ko ang People Support at E-telecare. Nagkaroon na rin kami ni Jay-R ng exam date para sa Accenture, May 7 ito. Umuwi na kami pagkatapos, halatang mga pagod, walang pansinan sa MRT, parang magkakagalit.
Sana may tumawag na sa akin agad.

Subscribe to:
Posts (Atom)